Ang matinding pasyonista eh ung ayaw mabahiran ng dumi, nag-iingles ng balu-baluktot pag kasama mga kaibigan at halos hingalin sa pagpulot ng tamang salitang inggles pero ang dating eh nagmumukha paring tanga sa pag-inggles, kala mo mga eletistang di na kayang abutin, at ung mga pasyonistang pasosyal na tumatambay sa mga mamahaling pakapehan pero pag uwi sabaw lng ang ulam...
lam nyo un, di tamang manlait eh, pero kung gan2ng mga tao ang makakasalamuha (ipokrito't ipokrita), taena, ano nlng kakalabasan natin dba?? wala na ung pagiging natural natin...pero teka...
ayos ang inggles hija (hija eh noh..hehe)....pero ung dala nmn sana, ung nasa tamang lugar at ung dating eh un bang may punto...
di natn maalis sa sistema ng edukasyon ng pinas ang bilinggual (pag gamit ng salitang inggles at filipino)..andun na un eh..kumbaga sa sugat...isa ng malaking peklat na kelangang dalhin habambuhay....
sa kabuuan...ayos ang inggles...kahit nakaka pandugo ng ilong..wag lng sanang abusuhin.....pinas tau nakatuntong eh...hehe...pis mga pre'...ang akin lng eh..opinyon lng nmn..
at eto pa....
sa totoo lang wala naman talagang kinalaman ang pagkakape sa pananamit..pero dahil nga sa panahon ngayon na kasali na sa accessories ang baso ng kape na bitbit galing dun sa sosyal na kapehan na yun o kaya magdadamit fashionista para lang makatambay dun..sabay english english narin ng konti..parte ng package kumbaga..
kung nagkakanda paltos paltos na ang paa, pero dahil uso at bagay daw, ok lng kahit isang kilometro pa ang lakarin makarampa lang.. hila ng hila ng damit na maikli dahil nagtricycle lang din pala.. makaporma lang..
para sakin di ko isasakripisyo ang pagiging kumportable para lang makasunod sa uso at maging maganda sa paningin ng iba kahit wala na sa lugar..kung uso na at kumportable pa, bakit hindi? pero kung simpleng uso lang ang pagbabatayan, di bale na lang..kasi sa bandang huli..pag uwi ko ng bahay..hindi naman nila paa ang mapapaltos...
Saturday, March 6, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment