Friday, March 12, 2010

Politika ng Cavite part. 1

Pasenxa na po kayo! kasi nakagalitan ako ng tatay ko last time ewan ko kung bakit bawal ba mag bigay ng saloobin sa Politika? eh kasi naman member kami ng political clan ng cavite ang mga REVILLA-BAUTISTA ng IMUS at KAWIT. ay kaya pala napunta jan ung topic eh ung topic ko ngayun eh ang politika sa lumalalang situation ng Cavite na kung saan kinokontrol ng ilang malalakas na Politiko at political dynasty ang political arena ng bayan ng Cavite. Nais ko sana sila bigyan ng ranking eh oh rate tka umpisahan natin.

ang mga talo.

sa General Emilio Aguinaldo - alam nyo ba ang bayang ito ito nga pala ang pinaka mahirap na bayan ng Cavite di pag nag uumpisa ang kampanya ng mga presidente eh makikita mo na ang mga poster ng mga kandidato na gusto lumahok sa lokal na pamahalaan.

sa Tanza - Sa Dami dami ng kandidato at ang kanilang mga supporters ewan ko lang kung supporters pro mukhang hindi eh ung bawal bahay ata eh may poster ng mga dakilang kandidato ang nakalagay eh nanjan si mayor si congressman si gobernor at si presidente at vice presidente ibat ibang partido ngunit lumalabag sa election code.

sa bayan ng indang
- Ang indang hay naku payapa naman ang indang un nga lang may isang kandidato nais ko sana sabihin ang pangalan isa xang babae so alam na ng mgataga indang kung sino to. september ko unang nakita ang imahe nya naku kay ganda akala ko eh nag aadvertisment lang ng ngiti ung poster nya eh ganito ____tooot___ ang kabataan ang pag asa ng kabataan dahil nga dakila akong tambay nabalitaan ko ung plano nya.. wahaha nag isponsor xa ng sportsfest at kung anu anu pa sana wag to manalo kasi baka mangyari nyan mawalan ng kaban ang indang..

Ang dakilang bayan ng Kawit - ang makamaganak pala di rin nagiging mag kamag anak kapag ang nakataya eh kapangyarihan naku eh anu nga ba ngyari sa kawit na unahan na ata sila sa pag unlad ng mga katabing bayan eh. biruin nyo sobrang korakot katakot takot kulangot ang ng yayari wahaha eh un ngang mag kamag anak handa mag laban eh..

sa Tagaytay - napaka payapa naman ng eleksyon dito dun sa mga dinadaanan ng mga turista walang mga campaign parepernalya o waht ever basta ang alam ko kapag pumunta ka na sa sa tabi tabing lugay anjan na ang campaign kampanya at mga nangangampanya napaka payapa ng tagaytay sana lang iwasan mag kala t dito.. ngayung eleksyon..

ang Bacoor si ate **** ang pag asa daw pati banaman sa de la salle dasmarinas may tent xa haha pato sa isang subdivision ng bacoor makikita mo ung malaking taling nya kasama xa sa mga kalahiaan ng isang malaking political clan ng cavite! sana tignan muna ng mga taga bacoor ang political background at educational background nitong babaeng ito. sana lang sana lang!! manalo ang nakaupong mayor kesa ung kalaban nya naku haha lahat na lang eh kasi kahit pintura ng side walk may image nitong exmayor na to dati. ang malupet na pasugalan at mga beerhouse dati!! baka mag balik!

Trece alam naman natin na ang trece ay marumi at malandi ang politika! anyways may nagtatayo ng politikal dynasty dito

ang imus mag ama!pro sa totoo lang magaling na gobernador ang isa dito tinitingala ko siya talga un nga lang sila ung angkan na may pinakamalaking kikitain kung mangungurakot! ewan kasi pondo ng Provincial capital at isang malaking munipalidad na IMUS wag naman sana! KA AYONG! mahal ka namin! pero kelangan eh di dapat!!

ang mga totoong talo
Ang mga Mamamayan ng LALAWIGAN ng CAVITE nako ayan na nga ang mga polikal dynasty lumalabas na pati ung mga nagtatayo ng politikal dynasty dati kuntento na kami sa apat eh ngayun nag sisipag labasan na! nag tatayo na sila ng ugat ung malalaking ugat ang politika ng anaman wag sana gamitin sa pagpapalaki ng tyan


ang mga panalo:

sa ngayon iilang munisipyo pa lang ang nanalo para sa akin

ang mga panalo

Dasma naku winner ang mayor dito at ang congressman sinasamba ko sila unang una ang panukalang panglunsod na kung saan bawal mag post sa mga poste kaayaaya malinis at maayos na ang dasma! napakagaling din ng magasawa kahanga hanga napakalaki ng pag unlad ng dasma! as in from 1st class municipality to 1st class or mega city na xa ngayun! kaso nayayamot ako sa mga senador nalumalapastangan sa ganda ng dasma! hays

ang bayan ng magallanes Oh kay laki ng pag unlad ng bayang ito napakagaling talga from 6th class to 5th class municipality mamista ka dito sure ako na food trip ka! napakaganda pag masdan ang pagunlad at pag ganda ng magallanes! ohh salamat sa mayor!!